View Full Version : Mas gusto ng anak ko sa grand parents nya kaysa sa parents nya
einhander
Nov 12, 2002, 10:47 AM
ok lang bang magselos kung mas gusto ng anak nyo sa grandparents nya kaysa sa inyo? yung 2 1/2 years old kong daughter ko kasi eh iniiwan ko sa parents ko pag papasok na kami, nagtratrabaho kasi kaming dalawa ng wife ko, pag uwi namin at susunduin namin eh minsan umiiyak at ayaw sumama sa amin :( , pero tumatahan naman pag naka alis na kami, nakakalungkot lang, syempre nagseselos ako, minsan tuloy parang gusto kong iwanan na lang sa yaya ang anak ko, kaso nga mahirap ipagkatiwala sa yaya ang anak ko sa buong maghapon :( , pano kaya gagawin ko?:(
lupuS
Nov 14, 2002, 09:13 PM
They say grandchildren are God's way of letting old people get back at their kids. A lot of grandparents do things that in the long run can spoil children. They don't care about the consequences. Problema ninyo yon.
Life is rough, sometimes, but your children will outgrow it. In the meantime, you get quality babysitting from the best people in the world - for free.
rains_delight
Nov 15, 2002, 04:51 AM
ganyan ang nangyari sa mga pamangkin ko, araw araw iyon at gabi gabi, umiiyak sila dahil ayaw nilang sumama sa parents nila. Madalas nga nagtatago sila sa cabinet or ilalim ng kama para lang maiwan sila sa bahay.
Nung minsan, hinanap namin sila buong bahay, as in nag tago silang 2 sa sulok ng kama ko, napagkamalan kong unan ko kaya hindi ko sila napansin, hindi naman sila kumikibo.
Hindi mo rin masisisi ang anak mo, may attention na binibigay ang parents mo at bigay lahat ng luho ng bata.
einhander
Nov 15, 2002, 06:04 PM
tingin ko nga karma to eh, nung bata rin ako e mas gusto ko sa lola ko kaysa sa parents ko, tama nga kayo, bigay lahat ng luho, ni hindi o bibihirang pagalitan ng lola, ngayon alam ko na kung anong nararamdaman ng parents ko noon nung bata pa ko :(, anyway, na-outgrow ko nga
Mickey2000
Nov 16, 2002, 08:16 AM
http://www.mousescripts.com/clipart/images725/Characters/Mickey_Mouse/mickey08a.gif Ganyan din ang situation nila,kahit katabing house lang namin,pag nasa work na yung parents nya(my sis & her hubby)yung mom ko na nag-aalaga,since baby pa,so kaya ngayon pag me kailangan yung pamangkin ko or me gustong gawin mas nirerespect nya yung decision ng mom ko,I still remember,gusto nyang maligo sa ulan one time,he asked his mom and she said no,then he asked grandma,when grandma say yes,he don't care what his mom said,he just go and play in the rain,and vice versa,if ever na pinayagan naman sya ng ate ko,at nag-no si grandma,walang magagawa yung yes ng mom nya.so parang ang nangyari eh wala ng power yung parent nya over him,not unless grandma told him so.;)
mravel22
Nov 16, 2002, 10:11 PM
pero tumatahan naman pag naka alis na kami, nakakalungkot lang, syempre nagseselos ako, minsan tuloy parang gusto kong iwanan na lang sa yaya ang anak ko, kaso nga mahirap ipagkatiwala sa yaya ang anak ko sa buong maghapon :( , pano kaya gagawin ko?:(
oh well, the best thing you can do is to spend quality time with your kiddo....if you can do that, everything else is gravy.
my lola took care of me. i love her dearly.
vBulletin® v3.6.10, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.