PDA

View Full Version : Mga pangaral mula kay Ryan Cayabyab


Rambus
Oct 1, 2004, 08:37 AM
Ang mga Natutunan Ko Hanggang Kahapon Bilang Isang Manunulat ng Musika:

1. Walang mangyayari kung nakatitig ka lang sa labas ng bintana habang naghihintay ng inspirasyon. Malimit na ito ay hindi dumarating.

2. Kapag mayroon ka nang naumpisahan, tapusin mo.

3. Kapag may pumansin sa nilikha mo dalawang bagay lang ang gagawin mo: una, kung ito ay pinuri, ngumiti ka; pangalawa, pag ito'y binatikos, humalakhak ka. Huwag mong pakawalan ang iyong bait. Mabuti nga't napansin ang likha mo.

4. Lumikha ka lang nang lumikha. Tumigil ka lang pag patay ka na. Siyempre.

5. Huwag mong liliitin ang mga nilikha mo. Minsan ito ay may kapangyarihan na hindi mo matalos.

6. Sa kabilang dako naman, huwag ka nang magmalaki. Maraming mas magaling kaysa sa iyo, kung hindi ngayon, sa mga darating pang panahon.

7. Hindi sa iyo ang mga nilikha mo. Ginamit ka lang na isang daan upang maisalarawan mo ang kalagayan ng iyong kapanahunan at kapaligiran.

8. Magpasalamat ka sa mga taong nagpakita sa iyo ng daan.

9. Magpasalamat ka sa bayan mo na iyong kinalakhan.

10. Magpasalamat ka sa Diyos dahil ikaw ay humihinga at ikaw ay isang alagad ng sining!

May pahabol pang isa: Hangga't maaari, huwag ka nang dumakdak nang dumakdak, tugtugin mo na lang.

tyanak_me
Oct 1, 2004, 08:45 AM
It's the cocofruit, from the cocopalm family.

Thoma§
Oct 1, 2004, 08:48 AM
isang pagbati para sa dakila at pinagpipitaganang maestro ng musika sa bansa! ;)

Eddie_Manzano
Oct 1, 2004, 10:48 AM
I have one:

"If you know you're good at something, don't say; just do. Voluminous proclamations are to arrogant fools, as concrete actions are to humble prodigies."

SurreyWiltshire
Oct 3, 2004, 03:03 PM
Kay ganda ng ating musika, kay ganda ng ating musika...
ito ay atin, sariling atin...
sigurado ako may mga taeneans na magpro-provoke dito, tapos papatulan naman ng mga taga ust at mga altrnick ng mga atenista.. ahihihihi

acacia_tree
Oct 4, 2004, 12:56 PM
ang alam ko OUTSIDE PEX, mas mahilig mang angkin ang mga lasalista. :glee: