PDA

View Full Version : A love letter for a email support CSR


pinoynetwit
Aug 20, 2006, 08:34 PM
I posted this letter in this section since it contains jargon unique to BPO/CRM CSRs.

This letter was written by yours truly for a neophyte CSR friend who needs help in expressing feelings through email. The person was having trouble expressing it verbally and needed it to be done through letter writing.

I hope you can critique and post your comments on the love letter that I made for a co-worker of this very desperate guy.

I thoroughly "interrogated", interviewed, probed and used my intuitive[right-brain hemisphere] skills in creating a letter that was meant to show the true emotion of this unemotional co-worker.

Wit and humor was interspersed with showing an emotion of true affection for a person.

Here is the letter:

Hi RECEPIENT'S FIRST NAME,

Kamusta ka na dyan? Sana nasa mabuti kang kalagayan. Palagi kita kasi naalala hanggang ngayon.

Ewan ko kung bakit ngayon ko lang ito sasabihin sa iyo. Maybe because tuwing nakakasama kita ay palagi akong "na-tatameme" at "dinadaga" no matter how I try. Ni hindi ko man lang kita pinuntahan sa station mo nung last day ko sa office para personally mag-paalam sa aking tinuturing na "someone special"; Hindi ko kasi kaya tanggapin na mami-miss na kita. I can't say goodbye.

Naalala ko pa nung nasa 21st floor pa ako near the window, kung bakit ako palaging may urge na mapatingin sa iyo ng panakaw. Nung malaman ko naman na pareho tayo ng daan pauwi at magkalapit lang ng bahay parang lumukso ang dibdib ko sa tuwa. Pag nagkakausap naman tayo ay kung bakit masaya ako kaysa kausap ang ibang office mates natin.

I will always remember your broad smiles at me na tumutunaw sa akin na parang kandila. Hindi lang ako mapangiti ng todo sa iyo in return dahil sa tindi ng kasiyahan ko.

Tuwing nakakasama kita sa cafe o sa dinner ay kung bakit ako napapatingin sa iyo tuwing di ka nakatingin sa akin. Masyado yata ako naging pasimple; I should have opened up earlier. Kung sana nga nasama ako sa inyo sa IO nung natanong niyo kung gusto niyo akong sumama...kung bakit ako tumanggi dahil madalang na mapunta ako sa KTV.

Minsan napapaisip na lang ako kung bakit palagi na lang sa iyo ako nagkakaganito at 'di sa ibang female office mates natin na may magaganda naman. Naiisip ko nga baka tinalaban ako ng pheromone secretions mo; pero on second thoughts, mas nalanghap ko ang pheromones sa kili-kili[ang pheromones ay secreted sa armpits at crotch] ni "jokla" nung napayakap siya sa akin at nagpaalam. Di lang nga ako tinalaban at na-repel pa sa pheromones ni "jokla".

Minsan iniisip ko kung bakit di na lang ako nagpadala ng card o flowers sa iyo to express my feelings for you. Siguro dahil hindi maisasalarawan ng isang card or even flowers ang nararamdaman ko. Parang kulang, 'di sincere, conventional at pretentious dahil di nito kayang sabihin ng lubos ang aking nasa puso.

Hindi ko alam kung paano ka magre-react on reading this email. Naiisip ko minsan na hindi ko na lang dapat sabihin ito at ibaon ka na lang sa limot for fear of rejection. Pero natutunan ko sa nakaraan ko na kailangan ko itong gawin dahil hindi kita matanggal sa subconscious ko. Hindi ko matanggap na kalimutan na lang kita tulad ng iba.

Ewan ko kung na "QA" ang email na ito kung papasa sa 85% passing mark; wala kasi akong ginamit na Kana template di ba?! Na-isip ko lang kasi to organize my thoughts and say how I feel without any fear of rejection. Kung CSAT naman ay nasa bumabasa yon. Sana pumasa ako sa CSAT survey sa iyo. Lastly, Kung EPH naman ay siguradong lagpak ako dahil unti-unti kong binuo ang sulat na ito in several days tuwing nasa contemplative thought ako.

Salamat sa pagbasa ng medyo mahabang sulat na ito. I needed to do this release my tension and my apologies for taking some of your time. Salamat for allowing me to say how I really feel from within.

Siguro ang summary lang ng thoughts ko sa sulat na ito ay no matter what you think or say of me, RECEPIENT'S FIRST NAME, I still love you, mahal kita.

Yours truly,

SENDER'S FIRST NAME