PDA

View Full Version : Beware of this Call center company!!


Moe_Howard
May 28, 2007, 06:52 PM
Hello Im new here,

Who watches bitag last sat? they feature a Call center that sells prostitutes wow meron palang call center na ganito:Mga International Bugaw na Call Center Agents’
BAHALA SI TULFO Ni Ben Tulfo
Monday, May 28, 2007
Page: 1

(Part 1)

NAKAKASIGURO ba kayo na ang inyong mga kaanak na nagtatrabaho sa call center ay hindi isa sa mga international bugaw na call center agents?

O di naman kaya ang call center na kanilang pinag*tatrabahuan ay yung mga contact centers na ang serbisyo ay ibugaw ang mga international performers ng cybersex sa internet.

Isang babaeng call center agent na nagtatrabaho sa isang malaking gusali sa Ortigas Center, Pasig, personal na dumulog sa BITAG Action Center noong a-15 ng Mayo.

Inilantad niya sa BITAG ang kanilang trabaho bilang international bugaw na mga call center agents. Upang patunayan ang kanyang sumbong, ipinakita niya ang I.D ng kanilang kumpanya, AMERICAN CHAT LINK , 12th Flr., Tycoon Bldg., Ortigas, Pasig.

Pinatunayan niya rin ang kanyang galing sa pam*bubugaw sa mismong tanggapan ng BITAG. Puwede rin daw silang magtrabaho sa loob ng kanilang bahay, “homebased” kung tawagin.

Gamit ang maliit na gadget, ang flash disk upang makapag-access sa kanilang website, agad siyang nakipag-chat sa kanilang mga target clients, sa website ng mga lalaking “lonely hearts” sa iba’t-ibang bansa sa mismong laptop lang ng BITAG.

Panimula, kinakaibigan niya muna at magmamakaawa sa kanyang ka-chat upang mahikayat na pumasok sa kanilang website at sa mismong account ng bugaw.

Papaniwalain niya ang pobreng lonely heart na kliyente na siya’y isang model. Subalit sa tunay na bu* hay, siya ay isang bugaw lang na call center agent sa ating bansa.

Tinawag namin si*yang si “Black Widow Spider”. Ito’y dahil sa kamandag ng kanyang explosibong exklusi*bong sumbong sa BITAG laban sa kum*panyang kanyang pinagta-tra*bahuan, ang AMERI*CAN CHAT LINK.

Ayon kay black widow, ang kanilang modus ay palabasin na live ang mga moving videos na napa* panood ng kanilang mga clients, subalit ito’y sina*sabay lamang depende sa sitwasyon at kahili*ngan ng kliyente.

Kung tutuusin files lamang nila ito ng mga video streaming na naka-save sa kanilang flash disk. At yung mga models, kung tutuusin ay mga hustler, o sanay na sanay, subalit marunong umarte dahil mga cybersex per* formers nga.

Hindi alam ng mga lonely heart clients na cybersex performers yung mga model at ang masahol dito, nagpa*panggap itong mga bugaw sa call center ng AME* RICAN CHAT LINK na sila yung mga performers.

Pero yung mga Inter*national cybersex models na ready for action ay naka-stand by lang. Karamihan sa kanila ay mga Asian Beauties na 40 porsiyento ay mga Pinay.

Kapag sila’y kinontak na ng mga bugaw ng AMERICAN CHAT LINK, alam na ng mga interna*tional cybersex performers ang kanilang mga papel.

May karugtong.... tommorow

tylehjolie
May 29, 2007, 04:38 PM
you know what...nababasa ko sa classified ads *** american chatlink na yan...if u try to read it, masisilaw ka sa laki ng offer but the thing is... you'll be doubtful kasi sabi dun you'll be selling membership for adult sites (mostly men ang clients)...di na nga ako nagkamali ng hinala ko...omg, sumagi pa naman sa isip ko na mag apply dito buti na lang my guardian angel saved me...lol...:lol:

lostyuppie
May 29, 2007, 06:25 PM
idol ko talaga yan si Mr. Ben Tulfo!

and mga pinoy talaga walang pinapalampas!!!

RIGOR
May 29, 2007, 10:06 PM
hindi ba iyan iwebmasters na suki din ng mga raid na nsa tycoon bldg din?

Jeffreyw
May 31, 2007, 02:09 AM
Ah, Tulfo brothers! The good times. Extortion time! :D

http://www.google.com/search?q=tulfo+brothers&start=0&ie=utf-8&oe=utf-8&client=firefox-a&rls=org.mozilla:en-US:official

RIGOR
Jun 1, 2007, 05:18 AM
Ah, Tulfo brothers! The good times. Extortion time! :D

http://www.google.com/search?q=tulfo+brothers&start=0&ie=utf-8&oe=utf-8&client=firefox-a&rls=org.mozilla:en-US:official

uyy alam ko to ah,naranasan ko to last year.hehe.pinagkukuha mga pc namin at pati sandwich ko tnira din ng mga yan.

bunny8pril
Jun 1, 2007, 10:23 AM
this call center is really such a laugh (my opinio only) at lalong katawatawa when one of my collegue apply there a few day after the said incedents...ang alam ko he was hired already and when find out bout that issue ayun nawala ang amor nya..well hindi ko naman sya masisi cause its really really degrading kung tatawagin mo sarili mong international Bu*gaw..wow at first this is really fat-fetched but it really does exist...sad anyway my friend told me that some of the agents working there were gays, of course I have nothing against with gays in fact i have a big respect with them. bottom line is, is there any government department that regulate and check the opration of all call center that oprates here in the phileppines?