PDA

View Full Version : Tama ba itong tax na binabawas sa salary ko?


_Reversed_
Mar 28, 2008, 10:40 AM
Nagtataka ako kasi head of the family na nga nakadeclare sa status ko tapos every 15th and 30th mga 1,300 ang nababawas sakin, wala pa nga dun yung bawas sa SSS at pag-ibig :confused: Yung basic salary ko 13,000 plus 4,000 allowance (taxable pa!) ang nakakainis kasi bakit taxable yung allowance. dinadagdag sa basic pay yung allowance kaya lumalaki ang tax rate. ano ba yung tax rate ko according sa basic pay ko? :confused:

council
Mar 28, 2008, 11:08 AM
Tax exemption: HF

If based on 13k:

1st half payroll
gross 6500
tax 862.57
net 5637.43

2nd half payroll
gross 6500
SSS 433.3
PH 162.50
PI 100
tot 5804.20
tax 723.41
net 5080.79


if based on 17k:

1st half:
gross 8500
tax 1343.75
net 7156.25

2nd half:
gross 8500
sss 500
ph 212.50
pi 100
tot 7687.50
tax 1140.63
net 6546.87

baludoy
Mar 28, 2008, 11:54 AM
malaki-laki talaga ang kaltas ng bir. i wonder how different it is kapag self-employed ka?

tiara_18
Mar 28, 2008, 01:10 PM
^may business ako, malaki ang binabayaran kong tax every year, last year ang binayaran ko almost 80thou :depressed:

kapag minamalas ka pa at lampas ka na sa deadline may 25% penalty pa :bop:

_Reversed_
Mar 28, 2008, 01:58 PM
hi guys andami agad nagreply ah :) thanks sa mga reply nyo :)

@council: ilang percent po ba ang tax rate kapag 13k? kasi sa dati kong company kagaya sa computation nyo kung babasehan ang 13k tapos idadagdag nila yung tax. although sa previous company ko taxable din, pero from 4k, yung 1k lang ang may bawas kasi transpo allowance din. kaya every month nakukuha kong allowance mga 3.7k.

ang nakakapagtaka pa kasi, sinasama na nga sa computation ng base pay yung tax, tapos pag tinignan yung payslip namin sa 30th, meron pang bawas ang allowance. yung dati kong 30th na payslip, 1.7k yung allowance na lang :confused: pagkakaintindi ko naman kasi sa sinasabi nilang taxable yung allowance, sinasama sa basic pay yung allowance tsaka iko-compute yung tax. hay andaming bawas feeling ko tuloy parang 14k lang pinirmahan kong salary with allowance :rolleyes:

baludoy
Mar 28, 2008, 02:15 PM
^may business ako, malaki ang binabayaran kong tax every year, last year ang binayaran ko almost 80thou :depressed:

kapag minamalas ka pa at lampas ka na sa deadline may 25% penalty pa :bop:

whoa! ang laki naman ng tax na binayaran mo. baka big time na business mo sis kaya ganun

aeonflux23
Mar 28, 2008, 02:34 PM
one month pa lang ako nagtratrabaho at ang sama kagad ng loob ko sa kaltas ng bir :rolleyes:

annj_143
Mar 28, 2008, 04:45 PM
one month pa lang ako nagtratrabaho at ang sama kagad ng loob ko sa kaltas ng bir :rolleyes:

naku!wait mo *** pg lumaki na sweldo mo,mas malaki din ang tax :depressed: nakakaiyak :mecry: :mecry:

santinocorleone
Mar 28, 2008, 09:33 PM
naku!wait mo *** pg lumaki na sweldo mo,mas malaki din ang tax :depressed: nakakaiyak :mecry: :mecry:

I agree. There will come a time na yung tax mo every month equal na sa sweldo ng iba. Wait till you get taxed for bonuses. Ouch! Don't forget yung kaltas pa quarterly if you have dependents sa hmo or health insurance mo.

pink_ocean
Mar 28, 2008, 10:19 PM
i get 17k as basic though marami pa allowance, i get deducted almost 9k a month :(( kawawang bata.

faolafini
Mar 30, 2008, 01:30 AM
isipin mo kung presedente ka at ang sweldo mo ay Php1,000,000 ang kaltas sayo malamang kulang kulang Php300,000++

aeonflux23
Mar 30, 2008, 08:53 AM
20k ang gross ko monthly, tapos halos 4000 pala ang deductions. nakakaiyak nga. imagine, sa isang taon, 48000 ang naaalis sa 240000. huhuhu. 15 months pa ang bonus namin, so malaman taxable na din yun.

prize
Mar 30, 2008, 03:04 PM
Buti sana kung ang mga buwis na nakakaltas sa atin ay ginagamit ng tama ng gobyerno....

clark_styx
Mar 30, 2008, 03:24 PM
ako 23k pero 3k ang binabawaas sa tax ,wala pa dun yung mga sss,pagibig atbp,ayun kakalungkot,pero pasalamat na lang at may trabaho ako

therealdeal
Mar 30, 2008, 11:32 PM
hindi halatang payabangan ng sweldo ah lol, oo na :naughty:

vinoi
Mar 31, 2008, 12:04 AM
medyo off topic yata: napanood ko lang sa isang documentary, sa france and uk, ok lang sa mga nagtatrabaho dun na magkaltas ng malaking tax *** gobyerno nila sa mga kita nila kasi nakikita naman nila yung pinaghihirapan nila lalu na pag dating sa mga taong nagkakasakit, kahit ganu kalala sakit or simpleng lagnat lang wala sila nilalabas na pera ni singkong duling, bibigyan ka pa ng pamasahe mo pauwi pagkagaling sa ospital, at wala silang cashier sa ospital. kasi walang kelangang bayaran. hehehe

philippines123
Mar 31, 2008, 10:40 AM
if your salary is above 500k a year, your tax is 32%... tama ba? may friend ako 490K sweldo nya a year with 22% tax, including 13th and 14th month pay so pag nagka-increase sya ng 5-10%, bababa pa ang sweldo nya.

tiara_18
Mar 31, 2008, 11:56 AM
whoa! ang laki naman ng tax na binayaran mo. baka big time na business mo sis kaya ganun

hindi naman ganun ka-big time...agency at garden ang business ko, grabe lang talaga ang gnagawa ng bir, hindi naman makita kung san napupunta yang mga tax na yan :bop:

prize
Mar 31, 2008, 09:46 PM
^Sa mga corrupt government officials napupunta yan...Got no evidence to show...But it's pretty obvious...

jefoy
Apr 1, 2008, 08:09 AM
Member

Join Date: Dec 2007

if your salary is above 500k a year, your tax is 32%... tama ba? may friend ako 490K sweldo nya a year with 22% tax, including 13th and 14th month pay so pag nagka-increase sya ng 5-10%, bababa pa ang sweldo nya.


where did you get this info? is this true @ council?

council
Apr 1, 2008, 09:37 AM
yes, if your salary is over 500k in a year, the tax rate is 32%.

specifically, the tax is P125k + 32% over P500k.

council
Apr 1, 2008, 09:44 AM
tax rate of 490k is 30%.

tax due is P50k + 30% over P250k

Dunedain
Apr 1, 2008, 10:09 AM
one month pa lang ako nagtratrabaho at ang sama kagad ng loob ko sa kaltas ng bir :rolleyes:

i get 17k as basic though marami pa allowance, i get deducted almost 9k a month :(( kawawang bata.

20k ang gross ko monthly, tapos halos 4000 pala ang deductions. nakakaiyak nga. imagine, sa isang taon, 48000 ang naaalis sa 240000. huhuhu. 15 months pa ang bonus namin, so malaman taxable na din yun.

Pretty much any form of income, including allowances, are also taxable. Bonuses also falls under added income so that's taxable as well.

The real question is: Would it help if... ...BIG "IF"... ...BIR gives tax rebates (something that will remain as a myth in the Pinas tax system)?

philippines123
Apr 10, 2008, 10:09 PM
i dont understand the 125k + 32% tax over 500K deduction.
Can we do some math here?

if my annual income is 525,000:
less 125k = 400,000.
400,000(0.68) = 272,000 ---> net income ko?

or:
525,000(0.68) = 357,000 ---> net income ko?

pa-check naman po. Thanks!

council
Apr 10, 2008, 10:41 PM
assuming all personal and additional exemptions have been properly credited and you still have 525000 as net taxable income:

525000 income


125000 base tax
8000 additional tax (.32 x 25000)
133000 total tax

392000 net income

HeartBreaker200
Apr 11, 2008, 01:02 AM
i got problems of my own too. sabi ng HR sa new company ko, di daw nag tax refund yun previous company. kaya ayun when i file form 1700, may kulang pa pala :(

HeartBreaker200
Apr 11, 2008, 01:09 AM
Friends, you'll see these figures at the form 1700. ka file ko lang the other day. gulat nga ako eh, while filing it sabi ng nag-aasist, tulungan ako mag compute. baka daw kasi may ibabalik pa sakin.. haha it turns out ako pala un kulang. gulat kami ng kasama ko. ohwell it's a long story. napupunta *** sa bulsa.. oops.. sorry cant help it.

silentexplorer
Apr 12, 2008, 07:45 PM
Guys tanong ko lang kung magkano ang net pay ko.
I'll be working in Makati. 16k ang basic, 15th and 30th ang payment. Magkano kaya matatanggap ko every payday? tnx

council
Apr 12, 2008, 07:48 PM
^ single? head of the family? married? children?

TripolEks
Apr 12, 2008, 07:52 PM
masakit nga talaga isipin yung tax na yan.. lalo na first time ko matanggap sweldo ko from my first job.. hindi makapaniwala na ganon kalaki ang tax na mababawas.. magiging aware ka na sana wala nalang corruption sa pinas para makikita mo kahit papano yung pera na pinagpapaguran mo na ibinibigay sa gobyerno.

anyway, sa denmark yata ang pinakamataas ang tax pero walang reklamo mga tao..

aj6ph
May 7, 2009, 10:39 PM
so magkanu po kaltas sakin pag di ako Head of family then 13k lang basic ko?

purply_hazy
May 8, 2009, 08:26 AM
can you also please compute yung tax ko bi-monthly if married, 1 dep, 32k basic thanks a lot!

also saw this cool site, birtaxcalculator.com. try nyo. heehee.

council
May 8, 2009, 10:35 AM
can you also please compute yung tax ko bi-monthly if married, 1 dep, 32k basic thanks a lot!

also saw this cool site, birtaxcalculator.com. try nyo. heehee.

bi-monthly? every 2 months lang ang sweldo nyo? bawal yan.

Galactus-1
May 8, 2009, 05:18 PM
^^^ Baka she meant semi-monthly. Nalito lang sa wording, hehehe

simplyme112586
May 9, 2009, 04:31 PM
Starting 2009 wala ng Head of the Family na category it's either single na lang or married since the Personal Deduction is just the same ( 50,000 ).. What differs now is if you have a dependend or not which is legitimate/illegitimate/adopted child (25,000/child max of 4 children) as long as they are qualified dependent... Basis of Last Year Computation Half Half ang ginawa.. :)

purply_hazy
May 9, 2009, 04:32 PM
sorry. nawindang lang. nagtatype kasi sa kabilang thread about bi's e. hehe.

simplyme112586
May 9, 2009, 04:48 PM
Here's my computation: :)
For the whole month nga lang..

Status: w/ 1 dependent( S1/ME1)

Basic Salary 32,000.00
Less:
SSS 500.00
PHIc 375.00
HDMF 100.00 975.00
_______
Taxable Salary 31,025.00

Tax: {4166.67+[(31025-27083)*.3]}= 5,349.27

Note: Computation for W/holding Tax is base on the Revised Withholding Tax Table issued by BIR ( Date of Effectivity: January 1, 2009) If you have a table with you recompute using the Semi Monthly category..*okay*

purply_hazy
May 9, 2009, 05:28 PM
^^

thanks a lot. e pag may 10% night diff and 2675 allowance na kasama?

thanks a lot talaga. medyo inosente ako sa mga bagay na ganyan e. :D

simplyme112586
May 13, 2009, 12:27 PM
Taxable iyong night differential kasama sa pagcompute ng tax due as for the Allowance naman depende kase kung saan siya icacategorize ng company if under ba siya ng de minimis or if me "tax shield" ang company nyo hindi taxable if not then kasama sya sa taxable since sobra n sa 30K ang 13th month pay mo di na sya pwede i-insert doon..