PDA

View Full Version : officemate na estafadora...WARNING! baka makilala nyo or kilala nyo sya...


hottieangel30
Apr 2, 2008, 06:44 AM
I work in an Online English Tutorial where we teach English over the phone to Koreans. We had a trainor (actually AWOL sya) at ang dami nyang nilokong tao dito sa office. Hindi ako ang niloko nya pero ang dami nyang kinuhaan ng pera dito tapos hindi na bumalik. Saksakan ng galing gumawa ng kwento at sweet talker kaya mae-entice kang maglabas ng pera. Friendly naman kasi sya, tapos iggauge ka lang nya. Ang alam ng lahat dito mayaman sya kasi based sa mga kwento nya, CEO ang dad nya ng XXXXXXXXXXXXX, may bahay sila sa kung saan-saan, may mga koneksyon sya, etc. In fairness kasi hindi naman sya itsurang busabos. Hangga't kaya ka nyang gulangan, gagawin nya talaga. Mga niloko nya dito sa office were her close friends for more than a year already. Nagbenta sya ng pagka-mahal mahal na mga slippers (kasi from Liliw, Laguna daw), at wala pang 1 month sira na. Akala ko bara-bara lang ako gumamit pero lahat ng bumili sa kanya eh ganon din ang complain. One time binentahan nya yung close friend nya dito ng Hershey's na bag, only to find out na libre lang pala yun sa Duty Free. Tapos nag-out of town sya with some of my officemates, nagkataon yung trainor ko ang nag-organize, grabe kung singilin nya sa rent ng bahay yung mga sumama, tapos nalaman nung officemate ko na magkano lang pala yung rent nung house. Basta magaling sya talaga gumawa ng kwento.

Ang matindi nito, nakuhanan nya ng P17k at P5k yung 2 officemates ko. Yung sa P17k, pinalabas nung trainor ko na yung tita nya may plane ticket na papuntang HK. Isa daw kasi yun sa mga perks na nakukuha ng tita nya. Yung officemate ko naman, sobrang nagtiwala kasi friend na nya yun for more than a year na. She handed my trainor the money kahit wala pa yung ticket. Yung sa P5k naman, niyaya nung trainor ko yung officemate ko na mag-share sa stocks ng Go Nuts Donuts since family business daw nila yun. Kikita daw ng P2k every month yung pera. Since close naman sila, nagbigay din sya ng pera. Nagkataon lang kasi na may mga nakaaway si trainor sa afternoon shift kaya nagkaalaman na mukhang manloloko sya. Backfighter pala itong si trainor kaya yun ang kinagalit ng mga officemates ko. Last Thursday, kinukuha nila yung mga pera nila kay trainor. "Sure" daw ang sinagot sa kanila, thinking na maibabalik na sa kanila yung pera the next day, kaso ang nangyari, hindi na pumasok. They tried calling her on her cellphone pero either ayaw sagutin or naka-off.

Eto ang pinakamatindi sa lahat. Nawalan ng cash at cheque (Pay to CASH pa ito ha) amounting to P40k or P50k ang Accounting Manager namin na ka-close din ni trainor. Nawala yung money nung Black Saturday. Lagi kasi sya nagpupunta sa cubicle ng Accounting Manager namin at sakto nakita nyang may nilagay na pera at cheque sa drawer. Nakalimutan lang daw talaga ng Accounting Manager na kunin yung money sa drawer before sya umuwi. Sure talaga kaming si trainor lang ang kumuha nun kasi sakto Black Saturday nagpunta sya dito sa office kasi she forgot her make-up kit daw (???). Hellloooww! Good Friday pa lang wala na kaming pasok, kung nakalimutan nya yun dapat the next day kukunin na nya diba? Pinaabot pa nya ng Black Saturday kasi sakto bukas na ang mga malls, at sakto din naman na nakita pa sya ng 2 officemates ko from the afternoon shift na shopping galore talaga sa Shangri-la. Kung hindi sya guilty, bakit hindi man lang sya nag-resign ng maayos at hindi man lang nya ma-text yung Accounting Manager na dati naman nagagawa nya??? Ang mga lugar na sinabi nyang may bahay sila, wala talagang ganong address.

The reason why I posted this was because I want others to be aware. I'm not sure kung allowed mag-post ng name dito pero kung gusto nyo malaman, PM nyo lang ako. Who knows, baka kakakilala nyo lang sa taong toh, kilala nyo na, HR kayo ng isang company or baka makilala nyo sya. Warningan ko na kayo. You can even verify it dito sa company where she was once with. I can give you the contact details.

Galvantic@STS
Apr 2, 2008, 11:42 PM
initials please... :lol:


:)

hottieangel30
Apr 3, 2008, 05:10 AM
initials please... :lol:


:)


L.S., but I can give you her full name if you want...PM me nalang if you wanna know...kasi baka kilala mo sya...thanks!

grinchblood
Apr 3, 2008, 09:29 PM
^^Kilala ko yan...LOLIT SOLIS! Estafadora primera hahahah!

Pero I didn't know na magaling pala sya mag-Ingles? Kunsabagay madali naman utuin mga Koreano haha. :D

Joke.