PDA

View Full Version : san mas maganda magtrabaho sa outsource or inhouse call center?


monaylisa
May 1, 2008, 12:36 AM
ano ano yung mga outsource cc at inhouse na alam nyo? whats the difference? perks benefits... etc..

jbla
May 1, 2008, 01:18 AM
ano ano yung mga outsource cc at inhouse na alam nyo? whats the difference? perks benefits... etc..

inhouse*okay* ...In house na alam ko Dell,JPMOrgan Chase,HP,GE,CISCO,Verizon
outsource nya etel,sykes,teletech at madami pa.. Difference mas malaki ng unti ang sweldo at I guess mas comprehensive ang training (para sakin)

qa_belle_
May 2, 2008, 12:47 PM
of course in house kasi mas less pressure.

kami in house kaya we have our own stations na hindi ginagamit ng iba. mas malaki ang basic. walang fear na pag na pull out ang account eh mawawalan ng trabaho.

best of all, hindi strict sa QA:rotflmao:

DonLabaro
May 2, 2008, 09:54 PM
malaki pinagkaiba ng basic pay... as in MALAKI!!!

eveRything
May 3, 2008, 10:33 AM
diba mas mabagal ang movement sa inhouse?

daasnwer
May 3, 2008, 03:16 PM
inhouse is better kase it's like being a model na freelance ka na u get your own gigs or a model na may manager where u pay them 30% for gigs u can find on your own. Inhouse mas safe kase sure ka d mag pullout yung account dahil account nga nila mismo yan na offshore and client is *** mismo. It's like having a mini office sa states na lahat ng dept andun. Ang outsource kase contrata yan pag d na fil client service ng outsourcing company mag pullout na yan. Unlike inhouse anu i pullout nila e kanila nga yun

FreezerBurn
Jul 8, 2008, 11:40 PM
INHOUSE ALL THE WAY! I heard a great deal about JP Morgan, HP, GXS, NetSuite and other Publicly Traded Companies na nag lagay ng Office dito sa Philippines. Financial wise, talagang malaki ang sweldo, san k nakakita na Outbound Sales na 38k/month + 10% of total Gross Profit Commision without Tax? Hmmm talking about apporximately 50-60k/month if you are Really Good Salesman.
Ang mga outsourcer kasi, tinatyangge nila ang presyo ng Filipino Agents para mag mukhang appealing sa mga clients nila, Ang lalaki nga ng building, maraming branches, may mga pa playstation, billiards at videoke pa sa office pero ang sweldo, swerte nang mabigyan k ng 18k na basic, mostly ang range is 13-15k/month. Yuck!

daasnwer
Jul 9, 2008, 12:22 AM
san ba may iba inhouse ortigas area aside from osrp and hsbc

es2pido
Jul 9, 2008, 12:44 AM
INHOUSE ALL THE WAY! I heard a great deal about JP Morgan, HP, GXS, NetSuite and other Publicly Traded Companies na nag lagay ng Office dito sa Philippines. Financial wise, talagang malaki ang sweldo, san k nakakita na Outbound Sales na 38k/month + 10% of total Gross Profit Commision without Tax? Hmmm talking about apporximately 50-60k/month if you are Really Good Salesman.
Ang mga outsourcer kasi, tinatyangge nila ang presyo ng Filipino Agents para mag mukhang appealing sa mga clients nila, Ang lalaki nga ng building, maraming branches, may mga pa playstation, billiards at videoke pa sa office pero ang sweldo, swerte nang mabigyan k ng 18k na basic, mostly ang range is 13-15k/month. Yuck!

Sang inhouse CC po yang tinutukoy niyo? I'm really interested :)

pinoynetwit
Jul 9, 2008, 05:45 AM
INHOUSE ALL THE WAY! I heard a great deal about JP Morgan, HP, GXS, NetSuite and other Publicly Traded Companies na nag lagay ng Office dito sa Philippines. Financial wise, talagang malaki ang sweldo, san k nakakita na Outbound Sales na 38k/month + 10% of total Gross Profit Commision without Tax? Hmmm talking about apporximately 50-60k/month if you are Really Good Salesman.
Ang mga outsourcer kasi, tinatyangge nila ang presyo ng Filipino Agents para mag mukhang appealing sa mga clients nila, Ang lalaki nga ng building, maraming branches, may mga pa playstation, billiards at videoke pa sa office pero ang sweldo, swerte nang mabigyan k ng 18k na basic, mostly ang range is 13-15k/month. Yuck!

Sumasang-ayon ako sa iyong kuro-kuro ukol sa mga "in-house" US publicly listed companies.

Matutuklasan ng mga mapapalad ng empleyado nito na ang sweldo ng isang back office agent ay mas malaki pa sa sweldo ng isang Team lead sa isang outsourced call center...and that is not an exagerration!*okay* I should know...

Isa rin itong "gateway" para matakasan ang night shift and work in first world countries like US and Singapore and get at least round USD 3000.00/month.

eveRything
Jul 9, 2008, 07:43 AM
meron bang in house na sales dito? yun sana ang aking gustong pasukin. :D at gaya nga ng sinabi ni freezerburn, mas rewarding ang mga in house na call centers! pero pano yung growth naman kaya? at anong company yung may 38 a month na yun

SUX_2_B_A_H8R
Jul 9, 2008, 08:00 AM
wow may netsuite support na pala sa pinas. i have to agree, in house is the way to go. medyo mabagal nga lang ang promotion dahil hindi rin naman ganun kabilis sila magpalit(hire&fire) ng agents as outsourced call centers.

new_mamon
Jul 9, 2008, 09:49 AM
syempre, sa Inhouse, STABILITY and number 1 factor. kasi walang pullout ng acct. i've been to the big outsourcers before (sykes, convergys), kahit anong ganda ng company, iba pa rin ang dating kasi contractor ka lang ng client. anytime pwede alisin ang acct, ang there's always the fear na mangyari un.

another thing is, sa outsourcer, numero lang ang agent. and no matter how urgent the issue of one particular call, after that call, tapos na un. walang continuity. di tulad sa inhouse, personalized talaga ang approach sa customers, kasi direct customer ng company mo un.

naranasan ko na sa cvg *** agawan ng station. kapag nag lunchbreak ka, ilologout ka sa station mo. pagbalik mo, hanap ka na naman and pullup ng tools. numero lang talaga kayo. ni wala kayong sariling headset (malas mo kung inuubo *** nauna sa yo).

tapos, kahit bagyo, pasko, strike, may pasok kapag outsource. kahit christmas party pa, kpg shift mo, pasok k pa din. di tulad sa inhouse, pwede nilang patayin ang queue and ililipat lang sa mga outsource provider nila ang calls. ang layo talaga ng difference.

freshbabe
Jul 11, 2008, 08:59 PM
pero kapag nag-apply ka naman sa INHOUSE eh....
para kang pumapasok sa butas ng karayom.:rolleyes: Sobrang
hirap ng recruitment process, not unless nangangailangan talaga ng
tao or bago lang. Ang powertrippers yata eh mas concentrated sa mga inhouse
centers....compared sa outsource.I AGREE na mas maraming
benefits ang inhouse kaisa outsource company. *okay*

Eh bakit naman ang FIRST ADVANTAGE (alabang) inhouse siya
pero BARAT daw sa benefits. 10K na starting???? :naughty:

At ang SHELL SHARED SERVICES... inhouse din siya right???