View Full Version : Pet peeves in your call center work
abbot
Sep 28, 2008, 10:22 PM
1. sobrang ingay + gay humor + palengkera + pang public high school yung mga banat/jokes. Feel nila eh nakakatawa sila, minsan pipilitin ka pa na makisali sa kanila at nagtataka sila kung bakit di ka natatawa. I f2cking hate the palengkera syle/g@y humor.
2. yung mga epal at paki alamero.
3. yung madamot sa info at mga goody 2 shoes coach/Tl's pet.
4. people who make jokes at the expense of others.
5. mga walang breeding at style skwalogs.
kayo ano?
kyosaisho
Sep 28, 2008, 10:45 PM
i second the motion dude...
add ko lang...
6. yung mga girls na feeling nila they belong with the elite just because they can speak english.. kairita sobra.. :D
pinoynetwit
Sep 28, 2008, 10:53 PM
7. Mga mangungutang na walang bayaran! Kung alam na mayaman ka at di kailangang magrabaho...tatargetin ng mga balasubas, hampas lupa, patay gutom na mga opurtunistang lumpen proletaryado.
8. Mga may asawa na pero nanlalandi pa rin ng mga ka-opisina....gagamitin ang mga "group hug" para maka-tsansing o kaya gagawing pagbati ang kiss sa pisngi para makamtan ang kanilang "tawag ng laman".
coff33_add!ct
Sep 28, 2008, 11:30 PM
agree ako sa lahat ng yan!! lalo na sa mga maiingay na akala mo nkakatuwa sila..
9. Yung mga jologs na feeling **** nila ang cool nila. Kailangan pa ipagyabang na kumain sila sa ganitong resto ... yung parang first time... hahaha
LimeWire
Sep 29, 2008, 01:12 AM
ang call center ay synonymous sa salitang palengke kaya masanay na kayo. lahat na ng klaseng professional at mga unprofessional people nandyan. hindi mo sila maiiwasan unless lumipat ka sa mas matinong kumpanya na fit sa gusto mo mangyari. class B-C-D nandyan. minsan nahahaluan din ng class A, mga naglilibang ba. ang pinakamatindi, ang mga may attitude problem nandiyan din. :lol:
hindi ko po minamaliit ang call center kasi laking tulong nito sa economy natin. sinasabi ko lang ang totoo. mag-mp3 kayo sa floor para hindi niyo sila dinig o di kaya sabihan niyo sila di kayo magka-level (sabay talikod). :bop: :toofunny:
smarterprince
Sep 29, 2008, 01:35 AM
yung saken yung mga mayayabang na inglesero kunyari, di naman conscious sa grammar :D lao na yung " I will going to..", goodness!
LimeWire
Sep 29, 2008, 02:42 AM
nosebleed :lol:
zonedef
Oct 11, 2008, 05:36 PM
mga deperado na pilit na ahasin sayo yung gf mo. nanliligaw pa rin alam nang may bf.
ayoko rin talaga nung mga sobrang ingay na parang mga palengkera, pang palengke yung humor,, ang squa squa ng dating. mga nasa 20's pero, ugaling mga 6 year old pa rin, at istorbo rin talaga sa workplace.
zonedef
Oct 11, 2008, 05:44 PM
i second the motion dude...
add ko lang...
6. yung mga girls na feeling nila they belong with the elite just because they can speak english.. kairita sobra.. :D
haha! mapa lalaki o babae, maraming asal ganyan. mga jologs and social climbers na feeling. lalo na yung nagkaroon lang ng bagong cellphone o first time makakain sa mahahaling restaurants o makabili ng mahahaling damit from their 1st paycheck. feel na feel nila yon.:lol:
freshbabe
Oct 11, 2008, 05:56 PM
ang call center ay synonymous sa salitang palengke kaya masanay na kayo. lahat na ng klaseng professional at mga unprofessional people nandyan. hindi mo sila maiiwasan unless lumipat ka sa mas matinong kumpanya na fit sa gusto mo mangyari. class B-C-D nandyan. minsan nahahaluan din ng class A, mga naglilibang ba. ang pinakamatindi, ang mga may attitude problem nandiyan din. :lol:
hindi ko po minamaliit ang call center kasi laking tulong nito sa economy natin. sinasabi ko lang ang totoo. mag-mp3 kayo sa floor para hindi niyo sila dinig o di kaya sabihan niyo sila di kayo magka-level (sabay talikod). :bop: :toofunny:
i agree. *okay*
in fairness ... di ako ... maarte sa kung GAY HUMOR... (i very much appreciate it) --- palengkera... basta wag lang below the belt ang banat... saka wag lang paninirang puri!!!!!:rolleyes:
SPORT ako... kahit ako pa mapagtripan.., nakakatantiya ako...
its all for FUN., basta wag lang kaka-insulto...
mas MABUTI PA YUNG NAGBIBIRUAN na parang 6 year old, kesa
yung NAGTSITSISMISAN... naninira lang ng kapwa... SH!t:grrr: i'd rather die laughing sa mga baklang nagpapatawa kesa... hear gossips... WORSE if its ABOUT YOU!!!
therealdeal
Oct 11, 2008, 07:31 PM
^ma'am mag tagalog nalang kayo ng straight, di ko ma gets taglish nyo :glee:
namazucon
Oct 11, 2008, 09:15 PM
1. Yung mga tao na gumagawa ng ibang dahilan para maging absent o late.
2. Hindi nagbabayad ng utang.
3. Mahilig mang-istorbo ng empleyado lalo na pag may call.
4. Killjoy.
5. Walang pakikisama sa kahit anong bagay.
LabuyoXVIII
Oct 11, 2008, 09:50 PM
I agree with namazucon dun sa number 2 niya. Kaya ako takot akong magpautang sa mga officemates, or anyone in general. Kaya hindi talaga ako nagpapautang. Ayoko namang magkaron ng lamat ang pagkakaibigan at samahan ng magkaka-trabaho dahil sa hindi pagbabyad ng utang.
2. Mga taong ipinipilit ang gusto nila sa ibang tao - let's face it, hindi lahat ng tao mahilig uminom at magyosi. Hindi lang naman ang pag-inom at paninigarilyo ang way para mag-bonding ang magkakatrabaho. Nakakairita lang to the point na i-pressure ang ibang tao just so sumama sa gusto nila.
3. People who act like 6 year-old children. Yung tipong may naka-sagutan yung isang friend nila, hindi na din nila kikibuin yung nakasagutan ng friend nila kahit na wala naman silang kinalaman sa story.
4. MGA TAONG TAMAD AT MAPAGSAMANTALA. Yung tipong tapos na ang lahat ng tao sa trabaho nila for the day, ikaw nagsisimula pa lang kasi inuna mong makipagtsimisan at umarte na may sakit kahit na alam mong BULOK na yung style mo sa mga katrabaho mo... ang ending, hindi ka tinulungan ng mga katrabaho mo kasi alam nilang umaarte ka lang.
5. Mga taong walang pakundangan basta may nakapasak nang earphone sa tenga at sinasabayan ang kanta sa kanilang mp3 player. Please!!! Lahat tayo kumakanta, pero hindi lahat nasa tono. Sana naman, hinaan ang pagkanta.. nakaka-istorbo sa ibang nagtratrabaho.
lunarpanda
Oct 12, 2008, 07:55 PM
@ d utang epidemic... yesh, madami ganyan sa cc. grabe! laki na ng sweldo hilig pa rin mangutang. tapos gagamitin lang pambili ng LUHO nila.
anyway . . .
1. mga magnanakaw. mapa-cellphone, pera, other gadgets... maski mugs, badge pulls and ballpens nawawalang bigla. maski foam ng headsets ubos na sa lahat ng stations.
2. usisero't usisera ng buhay nang may buhay
3. name-calling
4. mga nang-iistorbo at nagtatanong kahit na alam nila na may call ka
5. hindi ka papayagan mag-halfday kahit na ang kamag-anak mo na sobrang close sa iyo eh nasa delikadong situation. rule daw kasi eh direct family members dapat.
6. sandamakmak na PLASTIK!!!
7. supervisors na hindi marunong magpalakad at mag-manage ng oras
8. post-shifts
vBulletin® v3.6.10, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.