View Full Version : Agency/Recruitment Firms
greywolf
Feb 20, 2009, 04:26 PM
Paano ang setup kapag via agency or recruitment firm ka na hire?
meron kasi tumawag sa kaibigan ko.
wala daw ibabawas na sss, etc at tax lang ang ibabawas nung company/agency...
and wala rin daw benefits?
real madrid
Feb 20, 2009, 04:49 PM
natural walang sss,pag-ibig, philhealth etc
so wala din benefits.
contractual malamang ang work
kaleidoscope14
Aug 20, 2009, 09:57 PM
diba ang recruitment firm hindi binabawasan un salary ng employee, meron lang clang commission na galing mismo sa company unlike sa agency na may parte sa salary ng employee?
may interview kc ako yesterday sa recruitment firm sa may Ortigas. Sabi ng interviewer ay sa kanila daw ako under, parang dadaan sa kanila yung suweldo ko.. ganun ba talaga ang recruitment firms, kasi ang pagkakaintindi ko eh may commission lang sila dapat sa company at pagkatapos nun ay dapat under na sa company yung employee at wala ng strings attached sa recruitment firm??
Dragon_Heart
Aug 21, 2009, 02:04 PM
diba ang recruitment firm hindi binabawasan un salary ng employee, meron lang clang commission na galing mismo sa company unlike sa agency na may parte sa salary ng employee?
may interview kc ako yesterday sa recruitment firm sa may Ortigas. Sabi ng interviewer ay sa kanila daw ako under, parang dadaan sa kanila yung suweldo ko.. ganun ba talaga ang recruitment firms, kasi ang pagkakaintindi ko eh may commission lang sila dapat sa company at pagkatapos nun ay dapat under na sa company yung employee at wala ng strings attached sa recruitment firm??
Magkaiba sila. Yung sinasabi mong taga hanap lang sila ng tao, head hunters ang tawag sa kanila. Ito yung mga wala ng pakialam sa iyo basta kinuha ka na ng kliyente nila. Babayaran na lang sila nung kumpanyang kumuha sa iyo. Ibig sabihin nun, hindi ka nila empleyado.
Yung ibang recruitment firm o agency eh empleyado ka nila. Tapos kung may kliyente sila na nangangailangan ng tao na pansamantala lang( tulad halimbawa ng janitor/sekretarya/etc ) ipapadala ka nila doon. Kaya mababa lang ang babayaran mong buwis kasi kung walang kailangan sa kliyente nila, wala ka ring trabaho. Pero may agency rin naman na taga hanap lang din ng tao para sa mga kumpanyang nangangailangan.
Kaya ang mabuti eh linawin mo doon sa opisina na yun kung ano ba talaga sila.
kaleidoscope14
Aug 21, 2009, 09:35 PM
nung tinanong ko kasi siya kung agency sila , sabi niya ay "parang agency" pero di tulad ng agency na nangangaltas sa suweldo tapos di na siya nag-explain further kung anong difference nila, biglang nagnext question na siya sa interview. pero bakit dadaan sa kanila yung salary ko kung ganun.. and kaya siguro ini-istress niya kung okay daw ba ako sa contractual positions, agency talaga sila at hindi headhunter..
Dragon_Heart
Aug 22, 2009, 01:01 PM
^^ Kakaiba yan ha. Dapat kung nagtatanong ang aplikante maipaliwanag nila ng mabuti sa tao.
Pero sa tingin ko eh empleyado ka nila, tapos kaya sinasabi nilang wala nang kaltas sa sahod mo kasi binawas na nila. Halimbawa, kung yung sahod mo ngayon eh 10K, ibig sabihin nun mas malaki pa yung nakukuha nila doon sa kumpanyang kumuha sa iyo. Baka 15k ang bigay nila. Hindi na lang nila sinabi sa iyo yun.
kaleidoscope14
Aug 23, 2009, 12:06 AM
^ Mukhang ganun na nga ang set-up nila.. Parang lugi naman ako masyado dun kung wala ding benefits ang contractual. Pero try ko din liwanagin sa kanila pagtawag ulit ng HR.. mahirap pala pag sa recruitment firm, mas okay na derecho sa mga companies na lang mag-apply tsaka isa pa hindi ko rin alam kung saang company nila ako kinokonsider wala man lang kasi maski clue kung anong company mga clients nila..
Thanks pala for answering my questions!!*okay*
Dragon_Heart
Aug 23, 2009, 03:13 PM
^^ Welcome...
Yung wala ka pang kumpanya ganoon talaga yun. Kasi nakalagay ka pa sa listahan nila. Kung may nangailangan, saka sila maghahanap doon sa listahan kung sino doon ang pwede.
Saka kung contractual ka wala talagang benepisyo. Kaso siyempre maliit lang din ang buwis na babayaran mo.
screwed1730
Aug 24, 2009, 06:19 PM
hello! im planning to apply next year sana in sg ad agencies for account management position. May mga concerns lang po ako na sana may makasagot
a. Madami po bang mga pinoy ***** jan who's into account management ? Im currently a junior account manager in an ad agency here in the philippines since 2007. Im still gaining more years of experience kaya **** plan k early 2010 pa ko magaapply.
b. applicable na po b *** bagong strict rules ng poea jan for direct hiring? that is *** magbabayad ng bond ang prospect employer mo amounting to $8k as bond palang pag natanggap ka?
c. kasi if not, my plan is to go there as a tourist muna, then mag apply ako walk in or via net dito sa pinas, tapos mag pa appointment ng interviews? To be honest, na interview ako before sa DDB SG but due to my lack of experience, hindi ako natanggap. Nagkataon kasi na dumalaw ako sa SG and they said they can interview me. Pero now na serious na ko, i felt it was an opportunity missed kasi hindi ko ginalingan un interview.
Hope someone can address my concerns. Thanks!
vBulletin® v3.6.10, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.