View Full Version : job hunting ng mga fresh grads
jalibi1810
Apr 19, 2009, 07:38 PM
Hi! any tips po sa pagjojobhunt naming mga fresh grads? Mas maganda ba pag walk-in?
mobileburn87
Apr 19, 2009, 07:58 PM
Depends kung anu inaaplayan mu, but most of the time mas madali ang processing pag walk-in ka kesa pag nagapply ka online..
vicdiaz
Apr 19, 2009, 08:03 PM
minsan ang ginagawa ng iba, humahanap ng relatives or kakilala sa aaplayang company or office. in that way, malaki ang chance na mapasok kaagad.pag sa govt., malamang na Job Order muna ang makuhang trabaho kai wala ngayong filling up ng new positions...Good luck!!
coffee crumble
Apr 20, 2009, 10:36 AM
fresh grad din ako pero nakahanap agad ako ng work... tip ko sa yo, dapat nung feb pa lang nagpasa ka na ng sangkatutak na resume. hehehe lolz. pero dahil matagal nang tapos ang feb, eto pa ibang tips: create jobstreet and jobsdb (or other) accounts, keep on applying online or sending resumes to recruitment email adds (effective yun, believe me), and don't stop trying! good luck!
jalibi1810
Apr 20, 2009, 11:15 AM
thanks. ok lang ba kung magfollow up calls ako, lalu an dun sa mga company, sinabing magexpect talaga ko ng tawag at hindi na ko pinapatanggap ng ibang job offers?
coffee crumble
Apr 20, 2009, 12:00 PM
of course it's ok, people do it all the time... :D
vicdiaz
Apr 20, 2009, 02:11 PM
my daughter submitted resume to several companies thru jobstreet last dec 2008.luckily, she got a job after 1 month.After her graduation in UPLB as BSChem, she reviewed at once for the board exam. she passed the board on sept 2008.she is currently working in quezon cty. my advise, if your course needs passing the board, review at once and pray to pass,so that when you apply for a job, lamang ka sa kalaban mong mga applicants..
jalibi1810
Apr 20, 2009, 03:18 PM
thank you! pahingi pa po ng mga tips kung sang mga industries madaming hiring for an economics major like me.
froshie1
Apr 20, 2009, 04:40 PM
Tips sa mga gagraduate pa lang at mga freshgrads.
1.) 1st year college pa lang ako, nagstart na ako magtrabaho during summer. Maski hindi ko kinakailangang magtrabaho, gusto ko magkaron ng experience at matutunan kung ano ang meron sa office.
2.) November pa lang (March ako gumraduate) nag pass na ako ng mga resume sa iba't ibang company. Mayron akong cover letter na graduating student ako at gagraduate sa March para alam nila na sa March pa nila ako tatawagan.
3.) Pagkatapos ng aking graduation maraming mga companies na ang tumatawag sa akin for an interview. At the same time nag prepare ako ng limpak limpak na resume. Literally limpak limpak, more than 100 ata at isa isa ko iyong mga companies sa Makati (Ayala Ave, Makati Ave).
4.) Hindi po ako nag vacation pagkatapos ng graduation. Day 1 from the time that I graduated, nagsastart na ako sa paghahanap ng trabaho. Payo ko sa inyo, wag kayo magbabakasyon kasi once na mag bakasyon ka sigurado mauubusan kayo ng mga free slots. Isipin ninyo na lang di lang naman 2009 graduates ang kalaban ninyo kundi mayron pang mga 2008, 2007, 2006 graduates dyan na hindi pa nakakakuha ng trabaho at mga matatanda na naghahanap din ng trabaho.
5.) Bukas din ang isipan ko sa work na ang napakaliit na sweldo pero marami akong matutunan.
6.) April 25, may trabaho na din ako sa wakas pero maliit ang sweldo. Tinanggap ko iyon buong puso dahil ang kapalit naman nun ay marami akong matutunan.
7.) Kung wala pa rin kayong makuhang trabaho, mag present ng sarili na magwowork kayo for free (iyon ay kung hindi ninyo kailangan talaga mag work para sa pamilya ninyo). pero dapat pipiliin ninyo iyong company at ang work na gagawin ninyo, iyong tipong mayron kayong matututunan at maipagmamalaki.
slurpee
Apr 20, 2009, 06:53 PM
^ maganda nga yung wag ka muna maging mapili sa work dahil fresh grad ka. may mga kilala kasi ako na fresh grad na napakamapili sa trabaho, kesyo galing daw sila sa ganito ganyan na school. eh ano ba naman ang alam nila sa trabaho talaga diba. i would disagree on #3 though. ako noon 2 weeks after grad nagwork agad ako. eh super stressful to the maximum level yung work na napasukan ko. na-burnout ako ng husto, naging bugnutin. hehe. so ayun, nagresign, break for 2 months tapos nakahanap ulit ng work na gusto ko talaga. :)
paupau29
Apr 20, 2009, 10:58 PM
@slurpee: talaga? awww.. ako fresh grad **. in the process of finding a job. semi vacation na din in the sense na wala naman ako ginagawa pa talaga. [sharing]
and yeah. job search accounts do work :D
may mga comcontact naman sken through those sites :)
jalibi1810
Apr 22, 2009, 01:04 PM
Well, tyagaan lang sa pagfofollow up at paghihintay ng calls. Anong industry ba madaming companies na hiring?
104xxxxx
Apr 22, 2009, 01:08 PM
mas madali mag-apply last year (kaming mga "fresh grads" nung 2008) compared ngayon. hahaha. pero ngayon medyo mahirap na since may financial crisis. last year walang term na "freeze hiring."
tips:
- exhaust your connections. chances are higher if may kakilala ka sa isang company.
- don't stop applying. apply lang ng apply through walk-in, connections, jobstreet, jobsdb etc. kahit na "unsuccessful" ka sa jobstreet or walang reply sa mga inapplyan, don't be disheartened. apply parin ng apply.
- when your school holds a job fair, sulitin niyo. most of my batchmates got their first job through our school's job fair.*okay*
vBulletin® v3.6.10, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.