View Full Version : Pano kayo naka-adjust sa work during graveyard shifts? (tips and experiences)
sigh_hwatalyf
Jun 11, 2009, 11:49 AM
Tips, Stories and Experiences tungkol sa adjustment period niyo, working at night/graveyard shifts (lalu na yung mga shifting na paiba-iba ang schedule every certain period)
mahirap ba? ganu katagl kayo nag-adjust?
meron kasi ako kino-consider na job na ganito.. e panu ba malabanan ang urge para matulog? panu malabanan ang antok :rotflmao:
jay372011
Jun 11, 2009, 12:44 PM
The hardest part lang talaga is that lahat is preparing to go to bed and ikaw papasok na sa trabaho. Madali lang naman mag adjust.
Eto ang sked ko:
Ok so ang labas ko was 6:30am darating ako sa bahay ng before 8am. Breakfast and pahinga muna. Tapos tulog na from say 9am to 2pm. Lunch ka ng mga 3pm. Tapos bahala na kung what time ulit matutulog. Usually 4pm tulog ulit hanggang mga 7pm or 8pm. Gising ng 8pm , ligo,bihis, dinner off to work ng mga 9pm for the 10pm shift.
Yon ang buhay graveyard. But minsan pag antok talaga- pagdating ko ng 8am sa bahay - from 9am, tulog na upto 6pm tuloy tuloy na wala ng gisingan yon.
Ito ang magandang part - kapag 2 days naman off mo - parang ang haba din. Kasi for example off mo ang Sunday and Monday. Tuesday na ng gabi ang pasok mo. Halos parang 3 days ka nakabakasyon.:)
If you want ang sked ng 3am to 11am na sked pwede din ako mag share.:)
jujuju
Jun 17, 2009, 01:05 PM
intresting question..
anymore responses?
kaya na kaya ng kape ang adjustment na yan? hehe. ako kasi di tinatablan ng kape maliban kung mapaso dila ko! ayun. gising!
pink_angel65
Jun 20, 2009, 08:03 AM
ako naman, dati nung nag-aaral pa ko, hindi talaga ko sanay makatulog ng maliwanag. tska madalang ako makatulog ng araw. madali kasi ako magising eh.. nung nakapasok ako sa work ko ngayon (BPO), syempre graveyard shift yun. minsan may time na pag sa office ako, ay sobrang antok na ko pero iniinoman ko na lang ng cape, para matanggal. buti nga libre cape sami.. hehe! tapos pag matutulog nako sa umaga, naglalagay na lang ako ng piring sa mata para kunwari madilim. ayun sa katagalan, nasanay na rin ako.. hindi naman pala ganun kahirap mag-adjust.
eto pa, isa pang mahirap sa graveyard shift, ay yung tipong madaling araw ang uwi mo, tulad ng sked ko dati na until 3:30am. nakakatakot pa naman umuwi ng ganung oras dahil delikado. buti nga hindi ganun kalayo yung bahay namin, kaya may mga sasakyan pa rin. pero nag-aantay ako ng mga 1 to 2 hours bago umuwi, dahil delikado pa naman pag super aga tapos madilim pa.
haripoter
Jun 20, 2009, 09:38 AM
first job ko graveyard shift...
hahaha... di ko talaga namalayan... nakatutuk lan ako sa computer... nakapikit na pala mata ko and nakatulog na pala ako hehe... buti na lan at alang dumaan na supervisor nun...
yung pangalawang job ko rin graveyard din... grabe din yun... naranasan niyo na bang habang nagcocode kayo sa pc... parang wula na kayo sa sarili? para kasi akong nananaginip noon... yun kamay ko kusang pumipindot sa keyboard....hehe... di ko naman alam kung tama ba yung pinagpipindot ko hahahaa....
sa graveyard shift, antok lan naman ang kalaban mo kasi malamig ang aircon... tapos sa umaga naman kasi pahirapan ang matulog dala nga ng maliwanag at maingay sa labas...
okay din naman ang magcoffee, kaso minsan coffee + aircon = kabag ...
lam niyo yung air na umiikot sa loob ng tyan... sakit kaya nun... parang natatae ka na di naman... pagdating mo naman ng banyo... prooooooot.... contaminated air lan pala hehe....
iwasan din ang oily and masarsa foods... masisira tyan niyo hehe...
tubig... sa tulad kong pawisin kung mainit... iwasan ang uminom ng tubig tuwing graveyard... or else labas masok ka niyan sa cr... dahil sa lamig ng aircon.
wag ka ring kumain ng bread na may raisins... aantokin ka niyan...
music is da best... bili ka ng mp3 player with matching earphone kung di call center ang trabaho mu hehehe... tapos lagyan mo ng mga rock and punk songs... high na high ka nyan hahahah....
yun lan...
lionking03
Jun 22, 2009, 10:32 PM
kung di ka talaga sanay na gising sa gabi medyo mahirap magadjust pero kaya mo yan.
ako dati early to bed early to rise ako e..:lol: pero nung magstart na ako night shift medyo nahirapan ako. boy tulog na nga tawag sakin ng oficcemates ko e. :rotflmao: hindi kaya ng kape, unang una hindi ako mahilig magkape, kryptonite ko ata coffee e.:rotflmao: so ang ginawa ko pag off ko, tulog ako maghapon and gising ako buong gabi hanggang umaga.. every off ko ganun ginagawako, sinanay ko sarili ko na gising na gabi. sanayan lang yan. so ngayon medyo ok na ako. i can say nakadjust na ako. takot ko lang baka pag pangumaga na ulit ako hirap nanaman. :D
froshie1
Jun 23, 2009, 05:23 AM
4 years akong nag graveyard shift sa trabaho ko at pwede pa rin akong ma-assign doon depende sa business needs. Anyway ito ginawa ko.
Develop your mindset:
1.) Isipin mo lagi na hindi ito panghabang buhay that working nightshifts is a step in building your nest egg.
2.) Program mo ang mind mo na ang gabi ay umaga mo at ang umaga naman ay oras ng pagpahinga. When I say this pag umaga wag mong pilitin na maglakwatsa dahil kailangan mo talagang magpahinga dahil gabi mo iyon eh.
3.) Isipin mo lagi na mas mahirap na walang pera kaysa sa pumasok sa panggabi. Kung tatamarin kang pumasok repeat mo iyong first sentence.
Develop your body.
1.) Quit ka na ng bisyo mo. Drinking, smoking hindi ito makakatulong sa katawan mo.
2.) Exercise everyday at least for 30 minutes.
3.) Eat foods with a lot of fiber.
4.) Drink lots of water, avoid coffee (kung naprogram mo na sarili mo na ang gabi ay ang araw mo and vice versa di mo kailangan ng kape).
5.) Wag kang kakain right before you sleep kung ayaw mo magkaron ng hyperacidity or heart burn. Agahan mo pagkain mo lalo na bago ka matulog. Siguro mga 2-3 hours bago ka matulog eh dapat nakakain ka na ng tama lang at wag mabigat. Remember umagang kain is your dinner.
6.) Always have a medical checkup for prevention and huwag iyong fire fighting mode. Ibig sabihin nun maski wala kang nararamdaman lagi kang magpa consult sa doctor kung ok ka pa ba. Maski naman dayshift ka dapat ginagawa mo ito eh.
Control your environment (those things that you can control).
1.) Configure mo iyong room mo such that pagdating mo ay madilim na madilim sya. Pagipunan mo and pa-install ka ng black out curtains. Kakailanganin mo iyon.
2.) Bumili ka ng A/C kung wala ka dahil kakailanganin mo ito. Pero kung nakakatulog ka naman ng mahimbing maski tagaktak ka sa pawis eh di ok lang. Yeah tataas ang electricity bills mo true pero isipin mo na lang na hindi ka makakapasok ng maayos kung di ka nakatulog diba? Kung di kakayanin ng sweldo mo ang gastos sa kuryente, bili ka ng A/C na may timer. Kailangan kasi mababa ang temperature ng katawan mo para makatulog ka ng mahimbing.
3.) Kung maingay naman, lipat ka ng tirahan kung sa kaya. Again kailangan mong makatulog eh. Kung di kaya,magresearch ka ng mga ear plugs na nagbablock totally ng mga ambient sounds, meron ako nakita dati nito.
Keep in touch with your loved ones.
1.) Self explanatory. Di excuse na matutulog ka na lang lagi sa umaga. Kailangan pa rin ito. Kung makakarating ka sa bahay ng 7am, by 730 to 8am tulog ka na para pag gising mo ng 3pm ay pwede kang makipag keep in touch sa family mo.
Kung may naisip pa ako ipopost ko na lang hehehe. Pero eto so far ang sagot ko.
---------------------------------
Btw, sinabi ng doctor ko dati na walang pinagkaiba ang day and night sleep for as long as you get your deep sleep eh ok na ang tao. Sa tinigin ko kaya naman naapektuhan ang isang nighshift worker ay dahil sa relationships nya sa ibang tao kasi syempre ang normal ng karamihan ay gising sa umaga at tulog sa gabi. Pero other than that you will be ok for as long as you know when to rest.
TheEndofDays
Jun 23, 2009, 10:24 AM
1.) Quit ka na ng bisyo mo. Drinking, smoking hindi ito makakatulong sa katawan mo.
Eto nga palaging ginagawa ng mga night shifters! Pag night shift smoking everywhere! PBCom and RCBC Plaza ang pugad sa Makati, OWS/TWS sa Mckinley at Net2 naman sa The Fort
I already quit smoking during my early 20's sobrang addict dati ako!
Now you get the results of being a healthy body. It's too late to quit na may tama na ang katawan mo parang regret na.
sigh_hwatalyf
Jun 25, 2009, 01:33 PM
e pano kaya kung shifting sked? yung tipong paiba-iba every month yung sked mo.. this month umaga day job ka. next month, change sked, graveyard..
di kaya masira katawan nun?
froshie1
Jun 25, 2009, 01:35 PM
Ganun din ang process. Tignan mo na lang iyong mga doctor na ang shifting ay 32 hours at 360 degrees eh nakapalibot ang mga germs at viruses na hindi nakikita ng mata. Imagine mo na lang iyong mga tao na nagtatrabaho sa submarine na hindi nakakakita ng araw for 6 straight months.
oh may idadagdag ako...
negotiate mo sa manager or supervisor mo na ang palitan ay at least isang buwan. mas maganda nga every 3 months kaysa sa iyong every 2 weeks.
vBulletin® v3.6.10, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.