PDA

View Full Version : Worse Software-IT HR / Employment Process


softengr
Jun 26, 2009, 12:35 AM
**** Disclaimer to all readers... ****

The opinions and experiences of the following individuals is only to educate and provide information to the public, it may or maybe not true so the owner of this thread takes no responsibility on any misunderstanding and wrong information it may imply on the reader. The purpose of this thread is to give information, feedbacks and suggestions to the following institution and perhaps take this as an opportunity to improve and develop one's process... Again Read at your own risk...

softengr
Jun 26, 2009, 01:09 AM
Hi Guys,

For me the following Software-IT Company that I've applied before base on my own experience are for me the worse in terms of their Employment and HR Process. I'll just enumerate them one by one;

AEON Credit
- super tagal talaga mag-process dito as in, I really understand kung bakit minsan matagal sila magprocess ng application and schedule for interview kasi nga naman bka madami yung nag aaply, pero ang di ko talaga maintindihan eh yung paghihintayin ka ng matagal for the final interview after that even thou tumawag nako to know the status of my application after the given "weeks" na sinabi mismo nila na tatawagan nila ako if I pass or not still never heard anything from them eto pa ang sabi pa skin ng Head HR nila is hindi daw nya trabaho yung magcheck kung qualified yung applicant o hindi,... I would really understand kung sasabihin nya pa na hindi ako nakapasa atleast wala nako iniisip pang iba, alam mo yung feeling na "prolonging the agony", sana sinabi nalang nya na di ako pumasa kaysa yung paghihintayin yung mga applicants sa wala, haayy... para sakin di naman reason kung yung company is still on their adjustment period to understand this, napaka simpleng process lang nito.. aside from this base on my experience and other info from my frends, talagang nambabatas daw yung mga HR dito, sana di totoo yun kasi kawawa naman yung ibang applicants.. any wayz hopefully sana mabago nila yung process nila and I still believe na there's always a room for improvement, sana lang ma-improve nila ng maayos yung sistema nila, pero in fairness maganda yung office nila and mabait yung mga employees and managers **, sna *** yung mga applicants di maencounter yung naranasan ko for some HR employees nila...

Outblaze Asia Pacific - isa lang comment ko, once na natapos na yung interview mo, even thou pinangako nila na tatawagan ka for the technical interview, asa ka pa, wala ka ng maririnig sa HR nila, althou mabait naman yung HR nila, pero sana baguhin nila yung sistemang ganun, sana mainfor agad yung applicant/applicants if they need to have another interview or not or kung di sila pumasa.. again I'm only saying this for the improvement and not to discriminate this company or discourage the applicants to apply, mas maganda na yung malaman nila agad para mabago nila yung sistema..

Dragon_Heart
Jun 26, 2009, 11:59 AM
Karamihan naman sa mga kumpanya ganyan eh.

Kung hindi nakapasa ang isang aplikante wala nang maririnig yung taong yun. Sana kahit man lang mag-email sila doon sa tao na hindi siya pumasa, kasi kahit paano nagsayang din naman ng oras, pera at pagod yung tao para sumipot at magpa-interview.

Kaso nga lang bihira lang( sa dami ko nang kumpanya na inapplyan ) talaga yung sinasabihan yung aplikante kung hindi pumasa.

Hindi na ako magbabanggit ng kumpanya kasi sobrang dami ang ganito, hindi lang sa IT.

Saka minsan yung ubod ng tagal bago ka tawagan matapos ang interview mo, tipong kalahating taon saka ka tatawagan para itanong kung interesado ka pa :eek: Parang hihintayin mo sila ng ganoon katagal, lalo na kung wala kang trabaho nun. Pwera na nga lang kung sobrang ganda at sikat ng kumpanya nila.

juan_hustler
Jun 26, 2009, 09:11 PM
TS, please choose the correct answer:

1.) ______ Software-IT HR / Employment Process

a. Bad
b. Worse
c. Worst

juan_hustler
Jun 26, 2009, 09:13 PM
Karamihan naman sa mga kumpanya ganyan eh.

Kung hindi nakapasa ang isang aplikante wala nang maririnig yung taong yun. Sana kahit man lang mag-email sila doon sa tao na hindi siya pumasa, kasi kahit paano nagsayang din naman ng oras, pera at pagod yung tao para sumipot at magpa-interview.

Kaso nga lang bihira lang( sa dami ko nang kumpanya na inapplyan ) talaga yung sinasabihan yung aplikante kung hindi pumasa.

Hindi na ako magbabanggit ng kumpanya kasi sobrang dami ang ganito, hindi lang sa IT.

Saka minsan yung ubod ng tagal bago ka tawagan matapos ang interview mo, tipong kalahating taon saka ka tatawagan para itanong kung interesado ka pa :eek: Parang hihintayin mo sila ng ganoon katagal, lalo na kung wala kang trabaho nun. Pwera na nga lang kung sobrang ganda at sikat ng kumpanya nila.

Ganyan HP :grrr:

Dragon_Heart
Jun 28, 2009, 03:44 PM
Dapat siguro ang titulo ng t/s eh "pet peeves when applying"

Marami rin akong naranasang ganito, yung tipong pahihintayin yung aplikante ng mahigit isang oras bago interview-hin. Kahit pa sinabi sa iyo na 9:00am ang interview mo, aba 10:30am na wala pa rin. Kesyo may meeting daw yung mag-interview. Hindi bale sana kung isang beses lang nangyari ito, pero ang masama eh palagi na lang ganun sa kumpanyang yun.

Napakasimple lang naman nito, dapat siniguro nung interviewer na libre siya nung oras na yun hindi yung pinahihintay yung aplikante. Kung alam naman niyang marami siyang gagawin eh di sana sa ibang araw na lang niya pinapunta yung tao.

Meron pa diyan yung lagpas na sa oras ng tanghalian di man lang sabihan yung aplikante na kumain muna.

At ang isa pang pinaka-ayaw ko kapag nag-aapply ako, yung maghapon ang exam! Iba't ibang exam, simula 9:00am hanggang 5:00pm puro exam na lang! Siyempre pagdating ng mga exams sa dulo tinatamad at pagod ka na. Hindi bale sana kung technical exam yung iba eh. Kaso puro IQ exam maghapon! Hindi ko na lang babanggitin dito yung kumpanya, baka kasi nagbago na sistema nila. PM na lang ako kung gusto niyo malaman ;)

arnben
Jun 29, 2009, 12:28 PM
In my own experience. I think ito mga worst HR / application processes so far. Opinion ko lang po ito. Hindi ko na po sasabihin kung anong company yun. May hint na lang, kayo na lang po mag-isip kung sino sila.

- Company A (Hint: Very popular BPO company. Very popular athlete ang endorser nila)
- Okay sana yung process pero... im not sure kung part ng process nila ang interview na naranasan ko dito. hanggang ngayon bitter pa ko sa interviewer na yun. Initial interview po ito after mo makapasa sa exam. Sa interview na yun, I admit mahina ako sa english speaking pero everytime na sagutin ko ng awkward english ang questions nya, magsasalita sya like "you're just wasting my time!!" or something as in parang professor ang dating. and then lagi nya akong "binabara" na parang i think hindi na professional sa isang job interview. and then masama talaga ang facial reaction nya na tipong gusto mo na syang sakalin at sabihing "mam nagaapply po ako as a programmer hindi as call center agent, sinasagot ko lang po ang mga tanong nyo ng maayos hanggang makakaya ko.". i don't know kung hindi nya lang ako gusto interviewhin or hindi nya gusto yung school na pinaggalingan ko (from a reputable university naman ako) OR "behavioral exam" yata ito. i really don't know kung bakit sya ganun sakin na tipong wala akong right mag-apply sa kanila. Anyway, nung 2006 pa po ito. Til then, hindi na po ako nag-apply sa kanila kahit malaki "daw" offer nila sa mid-level developer.

- Headhunter B (Hint: systems what?.. One of the popular headhunters.)
- Ok sila maghanap ng company para sa mga applicants. malalaki ang clients nila eh. Mabilis sila mag-set ng appointment for interview at madali kausap sa available schedule ng applicants nila. The problem is.. i think may pagkukulang sila sa pag-update sa applicants nila regarding application status (again opinion ko lang po) especially kung hindi na-consider yung applicant nila for their client. pa-asa kumbaga. ako kasi lagi kong ineemphasize na 'paki-update na lang po ako sa status ng application ko with *** regardless kung ano outcome'... pero hindi sila naga-update sa applicant. Gusto ko lang naman malaman kung pasado ako sa current level ng application ko with their client e.

- Headhunter C (Hint: may Q sa company name nila)
- ito talaga lately lang. magtetext at email para mainvite ka nila for INTERVIEW. tinanong ko kung gano po kaya magtatagal yung interview at ilang interviews kung sakali. tinanong ko po yan para malaman ko kung pwede ako magpainterview bago ako pumasok sa current employer ko (flexi kasi), if hindi pwede papa-resked na lang ako. kung 1 hour or so lang naman, ok lang. Pero pagdating ko dun (take note JAVA DEVELOPER po inaapplyan ko), may EXAM pala. hindi lang yun, pang-QA engineer ang exam. wow QA. "test cases" ang exam in which hindi ko pa nakuha tong exam na ito sa buong career ko. sinagutan ko naman hahaha thinking na part of their clients' requirements na capable gumawa ng test cases ang mga developers nila. and then after that, kala ko interview na. hindi pa pala, may IQ exam pa na 250+ items at application FORMS pa ang finill-up-an ko. after doing that, napansin ko na 12.15 na ng tanghali.. waaahh.. pagka-submit ko ng mga documents, sinabi na lang "we'll call you within the week or next week". inisip ko, yun na yun?! akala ko may interview. initial interview atleast. tapos may kasabay akong dalawang applicants, pinababalik sila for interview ng 1pm kasi lunch time na. and pareho lang kami lahat ng kinuhang exam (dahil nakita ko yung pinasa nya). napaisip tuloy ako kung anong mali ang nagawa ko sa application.. na parang wala naman. haaay..:( ang mali ko lang is hindi ako nagtanong kung bakit pang-QA ang exam na sinagutan ko. pero nakalagay naman sa application form ko at email ko na Java Developer ang inaapplyan ko. :( nalaman kong hindi na ako considered nung makita ko yung status ko sa jobstreet na "under consideration" na ako.:(

Cookie_Mobster
Jun 29, 2009, 04:03 PM
mabilis mag process ang Aeon if you're qualified. if not wag ka ng umasa