View Full Version : softdrink distributorship - info about this business please
GOwin
May 13, 2002, 05:30 AM
can anyone please provide me with information about this business?
can't find any on the net.
TIA
the_BuGs
May 13, 2002, 12:26 PM
Ok werk ako dati sa san miguel then naging hwak namin ang mga dealers. as of now nde ko na alam kung paano ang standard procedure nila. Ang tanong ko lang naman ano ba gagawin mo dealer ng Softdrinks?? o distributor ng Softdrinks??
O Wholesaler?? pag distributor at dealer kelangan mo rin ng malaking puhunan. Ewan ko lang sa Coke kung nagbibigay ng Bond.San miguel kasi me bond ka ata ng 5 Million nde ko alam kung sa Coke.pero kung wholesaler ka lang maghanap ka lang ng delear o distributor ng Coke. Pero kung ako sa iyo pumunta ka sa Malapit na Coke Sales Office at kausapin mo yung mga territorial Sales manager.At humingi ka ng details. Saan ba location mo??
rains_delight
May 14, 2002, 09:07 PM
Someone will post the operation of the softdrink dealership.
GOwin, you have to set up the internal control if you want to pursue with your plans. Here are some tips.
1,. Segregate the empty bottles.
2. There should be at least three people supervising the delivery of the softdrinks. May time kasi na iniikot lang nila ang empty bottles, before you know it, nag deliver siya sa iyo ng kulang or nakuha ang emply bottles na walang kapalit.
3. Make sure to count the items delivered before you sign a delivery receipt. Double check the products. This will be the basis of your payment.
4. Know your market's preferences. Baka naman, hindi sila mahilig sa Cosmos products or victim sila ng 349 before kaya they only drink coke products.
GOwin
May 14, 2002, 10:22 PM
how about in terms of profitability and mark-ups. any idea?
lito ako: what's the difference between wholesaler, distributor and dealer?
TIA
rains_delight
May 16, 2002, 08:09 PM
Originally posted by GOwin
how about in terms of profitability and mark-ups. any idea?
lito ako: what's the difference between wholesaler, distributor and dealer?
TIA
whew! hirap yata nito ah. Kuya Danny, saklolo!
I don't have any idea in terms of probability. Kaya nga most of the softdrinks dealers do have a sari sari store for additional income.
wholesaler purchases in bulk. ( bultuhan, yung pa isa isa, retailer iyon)
distributor and dealer- who delivers the softdrinks to a sari sari store.
the_BuGs
May 17, 2002, 05:51 AM
Ok bigyan kita ng kaunting details.Sa San Miguel kasi... pagdelear ka yung taga san miguel (supervisor) na mismo ang magbibigay ng teritoryo mo. Kumbaga me Fix Route.Kahit ahente nf San Miguel hinde ka pwedeng pasukin.Kaso hindi mo rin pwede pasukin ang hindi mo territory kaya umiikot ka lang dun pag me bagong bukas na sari sari store automatic sa iyo na yun.. o kaya minsan ibibigay mo na lang sa wholesaler mo.Ganun din sa Soft Drinks hinde ka pwede mang agaw ng me teritoryo ng teritoryo.
Kung me malaki kang budget at kaya mong humawak ng malaking negosyo...pwede ka na rin mag dealer... pagkaalam ko me bond na pag dealer. Pero kung gusto mo small time lang pwede kang mag wholesaler.
Kung tatanungin mo kung magkano ang bentahan ng sopdrinks ibibigay ko rin sa iyo isang ang detalye
Kung magkano ang benta ng coke... ganun din ang presyo na ibebenta mo sa kliyente mo.Kumikita ka lang sa discount.Kumbaga sa 10 case ng coke ang benta sa iyo.. yung isang case libre na. so yun na yung kita mo sa discount.pero minsan 2 case.
tsaka kung delear ka kelangan mo rin ng pwesto para ma segregate mo yung basyo na me laman at wala.Pero sa akin mas maganda wholesaler ka na lang pag delear kasi ang dami pang aasikasuhin dyan
the_BuGs
May 17, 2002, 05:59 AM
Originally posted by GOwin
how about in terms of profitability and mark-ups. any idea?
lito ako: what's the difference between wholesaler, distributor and dealer?
TIA
Pag distributor at dealer ka.... kelangan malaki ang territory mo. at malaki ang budget mo. Ang sugal mo kasi dito kung magkano presyo ng COke sa mga sales Office ganung price mo rin dapat ibenta yun.Kumikita ka lang dahil sa discount.Kung gaano karami yng order mo ganun din kalaki discount mo.Yung discount yun na yung kita mo. Pag distributor at dealer ka ang mga kliyente mo sari sari store, groceries at wholesaler.Tsaka minsan pag dealer at distributor ka sa isang company.. wala ka na ring rights na kumuha pa sa ibang softdrinks company.Minsan ginagawa kang exclusive.
Unlike sa Wholesaler pwede kang hinde maging exclusive.Kahit anong products pwede mong ibenta.Then me mga sari sari store kang binebentahan na hinde gaanong sinusuplayan ng dealer.
Spyke
May 26, 2002, 02:33 PM
Hi. Dati akong wholesaler ng SMB at Softdrinks. Base sa experience ko, medyo mahirap at kailangan talaga matiyaga ka.
Sa SMB:
Kung gusto mong maging DEALER, kailangan mong mag-bond. I think, million ang halaga. at depende sa lugar mo kung may existing nang dealer o wala pa.
Pero kung wholesaler lang, bibigyan ka ng Supervisor ng sarili mong AREA na hindi na papasukin ng ahente at ikaw na lang mag-su-supply. Kung ano ang truck price yun din ang benta mo. Ang kita mo lang at discount. Nung wholesaler pa ako may P8/case akong discount. Plus, yung mga deals nila. Depende sa panahon o sales sa lugar mo, kung minsan 50:1, meaning for every 50 cases na oorderin mo, may libre kang 1 case. kung minsan 25:1 hanggang 10:1 kung swerte ka.
Ganon din sa softdrinks: Sa POP ang deal ay 15:1 sa coke 25:1. hindi ko alam sa Pepsi.
Hindi sa pinahihina ko loob mo, Sa laki ng pera na ii-invest mo, medyo maliit ang return of investment kasi syempre kailangan mo ng sasakyan, maintenance, tao (at least 2) at iba pang overhead expenses. Pero nagtagal ako dito ng 1.5 yrs, kasi may mga naiisip akong mga sales gimiks para sa SMB at sinuportahan naman ako kaya nabigyan ako ng 10:1 deal. Pero bandang huli naging 15:1 hanggang 20:1.
GOODluck sa business at pagbutihin mo. Sana makatulong ito sa iyo.
the_BuGs
May 28, 2002, 01:12 PM
Originally posted by Spyke

See tama ako ehehehehhe yung bond pala nde 1M.. nsa 5m .
And besides wala ka naman proproblemahin sa pagtitinda eh dahil yung area supervisor na magbibigay.
Ako naman nag work sa San Miguel dati at hawak ko dati mga dealers... pero hindi ako sales ha.. so medyo nalibot ko na ng kaunti ang mga dealer ng san mig sa buong north luzon aera.
vBulletin® v3.6.10, Copyright ©2000-2009, Jelsoft Enterprises Ltd.